KANSELADO ang isang Triathlon event sa Seine River sa Paris dahil sa polusyon.
Ayon sa World Triathlon, imbis na Mixed Relay Triathlon ay ginawa na lang nilang Duathlon ang event dahil sa polusyon, subalit sinabi ng organizers na magiging angkop naman ang lugar sa isasagawang events para sa 2024 Paris Olympics.
Bilang tugon na rin ito ng organizers sa agam-agam na posibleng hindi bagay ang Paris na maging host ng events lalo na’t ito na ang pangatlong pre-Olympic test event na apektado ng polusyon sa tubig.
Ngayon ay tinatrabaho na ng lokal na pamahalaan ang pagsasaayos ng 23-K sistema ng mga kabahayan hinggil sa kanilang wastewater.
May ginagawa na ring water filtering system upang mas magiging angkop ito sa mga water event ng 2024 Paris Olympics.