HINDI agad nag-surrender ang TNT Tropang Giga sa finals!
Ito’y dahil sa naging laban nila nitong Marso 26, 2025 ay nanalo ang koponan kontra Brgy. Ginebra San Miguel sa iskor na 87-83.
Naging susi sa panalong ito ang 29 points ni Rondae Hollis-Jefferson; 23 points ni Rey Nambatac; at tig-14 points nina Calvin Oftana at Poy Erram.
Dahil dito ay patas na ang Tropang Giga at Gin Kings ngayong may tig-tatlong panalo na sila.
Sinumang maunang manalo ng apat na beses ay sila ang tatanghaling kampeon ngayong 49th season ng PBA Commissioner’s Cup.
Follow SMNI News on Rumble