Tropang Giga, lamang na ulit sa serye vs. Gin Kings

Tropang Giga, lamang na ulit sa serye vs. Gin Kings

NAGAWANG malusutan ng TNT Tropang Giga barangay Ginebra San Miguel sa game 3 ng kanilang finals series ng PBA Commissioner’s Cup.

Sa kanilang laban, hawak ng Gin King ang 6 points lead sa end of first half.

Naging comeback naman sa TNT ang third quarter matapos silang makagawa ng 30 points kumpara sa 18 points ng barangay Ginebra.

Sa huling quarter, naging dikit ang laban sa pagitan ng dalawang koponan kung saan nagtabla ang kanilang score sa 82 sa halos last 2 minutes ng kanilang game.

Malaking tulong naman sa panalo ng team ang 3 points shot ni Rey Nambatac at lay-up ni Glenn Khobuntin.

Nagtapos ang kanilang game sa iskor na 87-85.

Sa ngayon, hawak ng TNT 2-1 lead sa kanilang serye.

Magaganap naman ang game 4 sa Biyernes, march 21.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble