SINABI ni United States former President Donald Trump na may bibitawan itong malaking anunsyo sa susunod na linggo, November 15 at inaasahang muli itong tatakbo sa pagkapangulo para sa 2024.
Si Trump na hindi tinanggap ang kanyang pagkatalo sa nagdaang eleksyon ay nagpaparamdam na ng ilang buwan na handa na itong muling sumabak sa pagtakbo bilang pagkapangulo.
Ani Trump, gagawin niya ang kanyang anunsyo sa susunod na linggo sa Mar-a-Lago Palm Beach sa Florida kung saan pinalakpakan ito ng mga taga-suporta nito sa Ohio sa gabi ng US poll na dedetermina sa kontrol ng Kongreso.
Ito na ang pinaka malapit na kumpirmasyon ng Republican sa kanyang intensyon sa pagtakbo kung saan sinabi rin nito noong nakaraang linggo na mataas ang posibilidad na gagawin niya ito.