Tulong ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa mga nasalanta ng Bagyong Karding, ihahahatid ng SMNI Foundation sa Bulacan at Nueva Ecija

Tulong ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa mga nasalanta ng Bagyong Karding, ihahahatid ng SMNI Foundation sa Bulacan at Nueva Ecija

MULING nagsama-sama ang volunteers ng SMNI Foundation Incorporated at Sonshine Philippines Movement sa paghahanda ng tulong ni Pastor Apollo C. Quiboloy na ihahatid sa mga biktima ng Bagyong Karding.

Ngayong araw ay maagang tumulak ang ating mga kasamahan sa SMNI Foundation at mga volunteers ng Sonshine Philippines Movement ni Pastor Apollo C. Quiboloy upang ihatid sa ating mga kababayan sa Nueva Ecija at Bulacan ang mga relief goods na ito.

Sa tuwing humahagupit ang mga sakuna sa bansa ay agad-agad na naririyan si Pastor Apollo C. Quiboloy upang maghatid ng tulong sa ating mga kababayan.

Noon pa man ay naging ugali na ito ng butihing Pastor.

Kung kaya naman ngayong araw ay abala ang mga volunteers ng SMNI Foundation at Sonshine Philippines Movement na pawang itinatag ni Pastor Apollo upang magbigay tulong sa mga kababayan natin na nangangailangan.

Ang tulong na ihahatid ng SMNI na ngayon ay ihinahanda ng mga volunteers ay para sa mga kababayan natin na mga magsasaka sa Nueva Ecija at Bulacan, lalo pa’t nakita ni Pastor Apollo ang nakapanglulumbay na sinapit ng kanilang mga pananim.

Inaasahan na sa mga susunod na tatlong buwan ay patuloy pa ring mangangailangan ng tulong na makabangon ang ating mga kababayang umaasa sa pagsasaka na naapektuhan ng Bagyong Karding.

Sa atin pong mga kababayan na gustong tumulong, ang mga telepono ng SMNI Foundation ay naka flash sa ating mga screen, at naka antabay ang ating mga volunteers upang tugunin ang inyong mga tawag.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi lamang pangangaral ang ginagawa ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang adbokasiya para sa kapakanan ng kabataan, ang paglaban sa terorismo, ang pangangalaga sa kalikasan at pagtulong sa mga nangangailangan ay ilan lamang sa mga adbokasiya ng butihing Pastor.

Follow SMNI NEWS in Twitter