Tulong sa 12,000 sugar farmers ng CADPI, tiniyak ni Speaker Romualdez

Tulong sa 12,000 sugar farmers ng CADPI, tiniyak ni Speaker Romualdez

DUMULOG nitong Miyerkules kay House Speaker Martin Romualdez ang grupo ng mga magsasaka mula Nasugbu Batangas.

Daing nila ang tulong mula sa Kamara matapos magsara ang Central Azucarera Don Pedro Inc. (CADPI).

Dahil sa closure, 12,000 ng mang-aasukal ang apektado.

Tiniyak naman ni Speaker Romualdez na hindi nila pababayaan sa Kamara ang mga dumulog na magsasaka.

At hindi sila iiwan sa ere ng Marcos administration.

Ang CADPI ang ikalawa sa pinakamalaking sugar producer sa Luzon na may 31% supply share sa buong rehiyon.

Batay sa datos ng Sugar Regulatory Administration (SRA) noong 2017-2018, mahigit sa 4,000 ang sugarcane farmers ng CADPI.

May mga panawagan naman na i-take over ng pamahalaan ang CADPI.

Sinasabing 12,000 metric tons ng tubo ang kaya nitong gawing asukal kada araw.

3 beses na mas malakas kumpara sa malalaking sugar mills ng pribadong sektor.

December 2022 nang magpasya ang CADPI na magsara.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter