Tuluy-tuloy na military operations kung muling ipatutupad ang peace talks sa bansa, ipinanawagan ng isang grupo

Tuluy-tuloy na military operations kung muling ipatutupad ang peace talks sa bansa, ipinanawagan ng isang grupo

MAY panawagan ngayon ang dating kadre at ngayo’y pinuno ng Sambayanan Cagayan Valley Chapter na si Mauricio Aguinaldo sa pamahalaan kung muling ipatutupad sa bansa ang peace talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa programang laban kasama ang bayan,sinabi ng dating kadre na kung muling magkakaroon ng peace talks sa bansa panawagan nito na huwag suspendihin o ipatigil ang pagsasagawa ng military operations.

Sa pamamagitan nito ay hindi na muling makapapasok pa ang mga rebelde sa mga barangay at hindi na muling maka-pagrerekrut para umanib sa kanilang grupo habang ipinatutupad ang peace talks.

Gayunpaman, sinabi ng dating kadre na mas gugustuhin nila na localized peace talks ang ipatupad ng pamahalaan.

Nanawagan din si Aguinaldo sa pamahalaan na suportahan ang mga people organizations na kumukontra sa ginawa ng makakaliwang grupo.

Ito’y upang mapuntahan ang mga malalayong barangay sa bansa at mabigyan ng impormasyon ang mga residente sa magandang maidudulot kung kanilang itatakwil ang CPP-NPA-NDF.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter