BINISITA ng Ambassador ng Republika ng Turkiye His Excellency Niyazi Evren Akyol si Vice President Sara Duterte nitong Lunes, Oktubre 9, 2023.
Kabilang sa napag-usapan ay ang mga mahahalagang adhikain ng edukasyon at seguridad ng bansa.
Ayon kay VP Duterte, ipinangako ng bansang Turkiye ang mga pribilehiyong scholarship para sa mga batang Pilipino na magbibigay-daan sa paglago ng kanilang kaalaman at kakayahan.
Bukod dito aniya ay mahigpit ang kanilang pangako na patuloy na makipag-ugnayan at magbigay-suporta sa layunin ng bansa na makamit ang tunay na kapayapaan sa Mindanao.
Ito ay sa pamamagitan ng Independent Decommissioning Body (IDB), isang samahan na naglalayong mabawasan ang hidwaan, pagkakapit-bisig tungo sa ganap na pagkakaisa.
Matatandaan na nagpahayag ang Pilipinas ng simpatya at pakikiisa sa nangyaring pag-atake ng mga terorista sa Ankara noong Oktubre 1.
Kung saan malugod na pinasasalamatan ng Turkiye ang mga Pilipinong buong pusong nag-ambag ng panalangin, lalo na sa mga pamilyang naapektuhan ng karahasan.