Turkiye, ‘di payag maging myembro ng NATO ang Sweden dahil sa isang rason

Turkiye, ‘di payag maging myembro ng NATO ang Sweden dahil sa isang rason

SINABI ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan na hindi papahintulutan ng Turkiye na magiging myembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang Sweden.

Itoy hangga’t nagkakaroon ng desecration ng Quran gaya ng panununog doon.

Magugunitang kamakailan ay nagkaroon ng rally ang mga aktibista sa Sweden kung saan sinunog nito ang Quran sa labas ng Turkish Embassy sa Stockholm maging ang effigy o imahen ni Erdogan.

Tinuligsa naman ng Swedish government ang mga aktibista dahil dito.

Sa kasalukuyan, tanging ang Turkiye na lang ang hindi pa pumapayag na maging myembro ng NATO ang Sweden at Finland.

Follow SMNI NEWS in Twitter