Deportasyon ng 4 fugitives bago ang business trip ni PBBM sa Japan, susubukan pa ng DOJ

Deportasyon ng 4 fugitives bago ang business trip ni PBBM sa Japan, susubukan pa ng DOJ

HINDI pa maipapangako ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang kumpletong deportasyon para sa apat na Japanese fugitives bago ang business trip ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan sa susunod na linggo.

Matatandaan na ang naturang deportasyon ay hiniling mismo ng Japanese Embassy sa Department of Justice (DOJ).

Hiniling ng naturang embahada na maibyahe ang apat palabas ng bansa sa isang trip lamang pero susubukan pa raw ng DOJ kung maari nila itong magawa sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Remulla, kailangan munang madismiss ang lahat ng kaso ng apat dito sa bansa bago sila tuluyang maipapadeport.

Ngayong araw, didinggin ang kaso ng dalawa sa apat na ipapadedeport ng ahensya.

Una nang sinabi ni Remulla na ang naturang Japanese fugitives ay ang sinasabing masterminds ng MVA iligal na aktibidad sa Japan.

 

 

Follow SMNI News on Twitter