MAGTATAYO ng typhoon response sa Marikina City ang Philippine Coast Guard (PCG).
Gagamitin ang pasilidad para sa mas mabilis na pagresponde sa Marikina tuwing may sama ng panahon.
Kamakailan ay binisita ni Coast Guard District National Capital Region – Central Luzon Commander, CG Rear Admiral Hostillo Arturo Cornelio, si Marikina Mayor Marcelino Teodoro para sa itatayong PCG building at typhoon response facility sa siyudad na nagkakahalaga ng 50 milyong pondo.
Samantala, tumutulong din ang PCG sa pagsasagawa ng “water quality monitoring” sa Marikina River.