Typhoon Talim, nag-landfall na sa Vietnam

Typhoon Talim, nag-landfall na sa Vietnam

NAG-landfall na sa Vietnam si Typhoon Talim matapos na dumaan sa China pero naging tropical depression na lang ito.

Kahit na humina si Talim ay naghanda pa rin ang gobyerno ng Vietnam at tinatayang nasa 30 libong residente ang maapektuhan kaya inilikas na ang mga ito.

Sa Halong Bay sa Quang Ninh Province na isang top tourist destination sa bansa, ang mga tour boat ay pinagbawalan nang maglayag.

“This makes those of us in the tourism industry lose a lot of income. But in order to avoid Talim’s damage, we must dock boats in safe areas,” saad ni Le Hong Nguyen, Tour Boat Captain.

Karamihan naman ng mga barko na nakadaong ay mas pinaghigpit pa ang kanilang mga hakbang upang maiwasan ang hindi inaasahang pinsala.

Samantala, ang lokal na mga mangingisda ay agaran na ring sinabihan na itigil muna ang operasyon maging ang mga indibidwal na nasa aquaculture business.

Kahit na humina ay malakas na pag-ulan pa rin ang dala ni Talim sa ibang mga parte ng Vietnam. Inaasahan namang magpapatuloy ang pag-ulan hanggang sa susunod na mga araw.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter