INANUNSIYO ng Malacañang na nakatakdang mag-hire ang United States firms ng nasa 75,000 Filipino seafarers sa susunod na 3 – 4 na taon.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sinabi ng president and chief executive officer ng Carnival Group Corp. kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na nakatakdang mag-hire ang group of companies nito ng mga Filipino seafarers.
Si Padget na nirerepresenta rin ang Carnival Cruise Line, Holland American Airlines, at Seaborn ay pinuri ang mga manggagawang Filipino dahil sa maayos na pakikitungo at kahusayan ng mga ito sa global workforce.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang U.S. employers dahil sa patuloy nitong pagtitiwala sa mga manggagawang Pilipino.