KINONDENA ng United Arab Emirates (UAE) ang pag-atake ng mga rebelde at terorista sa Hilagang Iraq.
Sa isang statement ng Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation, inihayag nito na mariing kinokondena ng UAE ang mga ganitong karahasan at terorismo na posibleng makaapekto sa stabilidad ng seguridad ng mundo.
Nagpahayag ang ministry ng pagpanig ng UAE sa lahat ng hakbang ng Iraq para protektahan ang soberanya, seguridad at stabilidad ng bansa nito.
Nagpahayag naman ng pakikiramay ang ministry sa gobyerno sa pangyayari at hiniling ang agarang paggaling ng mga nasugatan mula sa insidente.