UAE, nagpatupad ng VISA ban sa lahat ng Nigerians

UAE, nagpatupad ng VISA ban sa lahat ng Nigerians

HINDI pinahintulutan ng United Arab Emirates (UAE) ang pagpasok ng Nigerians sa bansa na nais bumisita sa Dubai.

Ang ban ay inilabas sa mga trade partner ng Nigeria maging sa travel agents nito.

Ang hakbang na ito ay kasunod ng ilang linggong paghihigpit sa VISA process ng mga posibleng manlalakbay sa bansa.

Sa huling desisyon na sumasaklaw sa lahat ng Aprikanong bansa inihayag ng mga awtoridad na natanggap na ang mga rekwes sa pagpasok sa emirata ng Dubai at ang mga ito ay hindi tinanggap ng gobyerno.

Samantala, kahit walang dahilan para sa ban, inihayag ng mga awtoridad na naka-hold pa ang lahat ng aplikasyon hanggat hindi nareresolba ang isyu sa pagitan ng gobyerno ng UAE at Nigeria.

Follow SMNI NEWS in Twitter