UK Foreign Secretary, bibisita sa Thailand

UK Foreign Secretary, bibisita sa Thailand

NAKATAKDANG bibisita sa Prime Minister ng Thailand ang UK Foreign Secretary na si Liz Truss.

Makikipagkita si UK Foreign Secretary Liz Truss kay Prime Minister Chan-O-Cha at Foreign Minister Don Pramudwinai.

Kasama sa magiging agenda ng pagpupulong ang pagpapalakas ng partnerships sa digital at tech maging pagpapalakas sa investment at security collaboration.

Sa ngayon ang UK at Thailand ay mayroong two way trade na nagkakahalaga ng 4.7 billion pounds kung saan higit limang libong negosyo sa UK ang nag-eexport sa Thailand.

Nakatakda namang pasinayaan ni Liz Truss ang bagong British embassy sa Bangkok at bibisitahin rin ang triumph motorcycle factory para ipakilala ang mga British business sa rehiyon.

Samantala, pangungunahan rin ni Truss ang isang business roundtable meeting kasama ang nangungunang British at Thai companies sa ilalim ng building back better at sustainable investment scheme.

SMNI NEWS