INAASAHAN ngayon sa Thailand ang pagkakaroon ng face-to-face events matapos magbukas ang bansa nitong Nobyembre 1 sa mga turista.
Matapos ang siyam na buwan na pagpapatupad ng COVID-19 restrictions mula Abril 2021 inaasahan ngayon sa Thailand ang pagkakaroon ng face-to-face events sa Impact Exhibition and Convention Centre nito.

Kumpirmado ngayon na ang 49 events na gaganapin sa Impact Exhibition and Convention Centre sa gitna ng buwan ng Nobyembre at Disyembre sa Thailand ngayong taon.
Sa nasabing aktibidad labindalawa dito ang Trade at Consumer exhibitions na siyang organisa ng pamahalaan, private sector, at trade associations at maging serving markets tulad ng science at technology, smart smes, baby products, automotive, finance at food & beverage.
Limitado naman sa 170,000 attendees ang inaasahang dadalo sa nasabing event at ang pagpapatupad ng istriktong COVID-19 health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Kasabay rin sa nasabing pagdiriwang ang pag-book ng labing apat na business meetings at maging training seminar events para sa face-to-face knowledge at networking exchange.

Samantala, inaasahan naman ni Loy Joon How, General manager ng Impact Exhibition and Convention Centre na darating ang panahon na babalik sa walundaang events at higit sampung milyong attendees ang dadalo sa nasabing aktibidad sa Thailand.
