HINIHIKAYAT ng mga British music icons na sina Elton John at Paul McCartney ang UK government na protektahan ang mga artist mula sa AI.
Partikular na si Elton, sinabi niya na mistulang pinapahintulutan na ang big tech companies na magkaroon ng libre at madaling access sa gawa ng isang artist.
Mula rito ay mas makabuo pa ng panibago at ibang musika ang AI.
Si McCartney naman, mistulang mawawalan na rin aniya ng ‘creativity’ ang mga artist dahil dito.
Sa kasalukyan ay may ginagawang public consultation ang gobyerno ng United Kingdom para dito at magtatapos ito sa Pebrero 25, 2025.