UK police, sinampahan ng kaso ang isang lalaki matapos na batuhin ng itlog si King Charles

UK police, sinampahan ng kaso ang isang lalaki matapos na batuhin ng itlog si King Charles

SINAMPAHAN ng kaso ang 23 taong gulang na lalaki sa York sa Northern England dahil sa “threatening behavior” matapos nitong pagbabatuhin ng itlog si King Charles III sa kalagitnaan ng pagbisita nito sa lungsod noong nakaraang buwan.

Haharap si Patrick Thelwell sa korte ng York Magistrates sa January 20 sa susunod na taon ayon sa Crown Prosecution Service kasunod ng imbestigasyon sa insidente.

Maaaring maharap si Patrick sa 6 na buwang pagkakabilanggo kung mahahatulang guilty ng korte ayon sa sentencing guidelines.

Matatandaan na agad na naging Hari si Charles na 74 taong gulang matapos na mamatay ang ina nitong si Queen Elizabeth II noong Setyembre.

Ngunit may ilang protesta laban sa hereditary principle ng monarchy kung saan naging pinuno si King Charles ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter