Charity Golf Tournament, inilunsad para sa House of Hope sa UK

Charity Golf Tournament, inilunsad para sa House of Hope sa UK

NAGSAGAWA ng isang Charity Golf Tournament para sa House of Hope Foundation sa Pilipinas ang  komunidad ng mga Pilipino sa United Kingdom.

Ang tournament ay dinaluhan ng 40 golfers mula sa iba’t ibang komunidad sa buong England, katulad na lamang ng Filipino Golf Society.

Ito ay isang friendly competition kung saan maaaring masungkit ng mga dumalo ang unity trophy.

Ginanap ang tournament sa Royal Epping Forest Golf Club na itinatag noong 1888 sa Chingford, England.

Ang Golf Course ay sinasabing naging lugar ng pangangaso ni King Henry the VIII at Queen Elizabeth the I. Ngayon, ay isa na rin ito sa 35 Royal titled clubs sa UK at Ireland.

Ang charity event ay naglalayon na tumulong sa paglikom ng pera para sa House of Hope, isang non-profit charity organization na itinatag sa Pilipinas at tinawag na Davao Children’s Cancer Fund noong Mayo  3, 2004.

Ang non-profit na organisasyon na ito ang kabahagi sa pagbibigay ng pinansiyal, medikal, at psychosocial na pangangalaga para sa mga at nagsasanay rin ito ng multidisciplinary team ng mga medikal na propesyonal.

Nagsimula ang charity tournament ng alas diyes sa umaga na binubuo ng 10 grupo na may tig-apat na manlalaro bawat grupo at may nakatalagang kulay bawat koponan.

Sila ay nakipagkumpitensya para sa 18 hole course. Natapos ang laro  bandang alas kwatro ng hapon.

Nagpatuloy naman sa loob ng clubhouse ang programa kasabay ng hapunan ay ginanap ang awarding ceremony at raffle para sa mga manlalaro.

Sinabi ng isa sa mga organizer na si Jun Llandelar na ito ang kauna-unahang charity event na nagtipon-tipon ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang golf societies, at labis niyang ikinatuwa ang resulta ng kumpetisyon.

Binanggit ng mga organizer ang tagumpay ng event at patuloy silang magho-host ng taunang charity event sa mga darating na taon.

Umaasa sila na makakakalap ang kumpetisyon ng mas maraming golfers sa buong England para suportahan ang layunin.

Follow SMNI NEWS in Twitter