INANUNSIYO ng Pentagon na ihahatid nito ang Abrams tanks sa Ukraine sa fall season ng taong 2023 na higit na mas mabilis sa inaasahan kasabay na rin ng Patriot air defenses.
Ayon kay Press Secretary Brigadier General Pat Ryder, napagdesisyonan ng Washington na ipadala ang M1A1 variant ng Abrams tank.
Ani Ryder, mabibigyan ng mga tangke ang Ukraine ng kaparehong kakayahan ng M1A2 na naunang ipinangako ng Washington. Tumanggi naman itong idetalye kung ano ang diperensiya sa pagitan ng dalawang variants.
Ngunit ani Ryder, ang M1A2 variant ay mas matagal bago maihahatid at aabutin pa ito ng 2024 bago magamit ng Ukraine kumpara sa M1A1 na mas mabilis na magagamit ng Kyiv.