Atty. Roque, ibinahagi ang dahilan kung bakit ‘di prayoridad ng Senado ang Cha-cha

Atty. Roque, ibinahagi ang dahilan kung bakit ‘di prayoridad ng Senado ang Cha-cha

WALANG kasiguraduhan na hindi pakikialaman ang Senado ang pag-amyenda ng Konstitusyon.

Ito ang ipinaliwanag ni Atty. Harry Roque hinggil sa planong Charter change at hindi nito pag-usad sa Senado.

Naiintindihan naman ni Roque na iba-iba ang nais na baguhin at prayoridad na unahin ng mga mambabatas subalit sinabi na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na hindi na muna sa ngayon pagtuunan ng pansin ang Charter change.

Mungkahi ni Roque, mainam na ang pondo na gagamitin sa pagbabago ng Saligang Batas ay ibigay na muna sa mga mamamayang nahihirapan dahil sa inflation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter