Ukraine, umaasa na dadalo ang Russia sa gagawing Peace Summit sa Switzerland

Ukraine, umaasa na dadalo ang Russia sa gagawing Peace Summit sa Switzerland

UMAASA ang Ukraine na dadalo ang Russia sa magiging Global Peace Summit sa Switzerland ngayong Hunyo 15-16.

Sa kabila ito ng unang pahayag ng Moscow na hindi sila interesado sa event kung kaya’t hindi na lang ito inimbita ng Bern.

Sa ngayon ay nasa 90 mula sa 160 na bansa at international organizations na inimbitahan ang kumpirmadong dadalo sa summit.

Mula rito, sinabi ng Ukraine na bukas sila sa anumang mungkahi para mahinto at makamit ang kapayapaan mula sa digmaan nito sa pagitan ng Russia.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble