NABAWASAN na ang inilalabas na sulfur dioxide ng Bulkang Taal.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), mula sa 11,072 metric tons na emission noong Hunyo 6-9, nasa 2,479 metric tons na lang ang inilalabas nito simula noong Hunyo 10.
Iyon nga lang at namamayagpag ang “vog” hanggang nitong Martes, Hunyo 11 batay sa obserbasyon ng ahensiya.
Sa ngayon ay ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island lalong-lalo na sa main crater at daan kastila fissures.
Ipinagbabawal din ang boating at flying malapit sa bulkan.