Ulat ng vote-buying sa Northern Samar pinabulaanan ng kapulisan

Ulat ng vote-buying sa Northern Samar pinabulaanan ng kapulisan

MARIING pinabulaanan ng Northern Samar Police Provincial Office ang ulat na may naarestong indibidwal kaugnay ng umano’y vote-buying sa lalawigan.

Ayon sa opisyal na pahayag ng Northern Samar Police Provincial Office, wala pa silang naitatala o nahuhuli na sangkot sa anumang insidente ng pamimili ng boto sa kanilang nasasakupan.

Ito ay kaugnay ng naunang ulat mula sa isang media outlet na nagsabing isang residente umano ang nakatanggap ng puting sobre na naglalaman ng pera.

Kasama umano sa sobre ang pangalan at larawan ng walong kandidato, isang sample ballot mula sa isang tiket, at isang party-list group.

Ayon sa naturang ulat, umabot sa halagang P1,750 ang kabuuang laman ng naturang sobre.

Gayunman, giit ng kapulisan, wala silang natanggap na pormal na reklamo o naiulat na insidente hinggil dito.

Patuloy rin umano ang kanilang mahigpit na pagbabantay upang masigurong magiging mapayapa, malinis, at patas ang halalan sa lalawigan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble