PINAPAIMBESTIGAHAN ni Agri Party List Rep. Wilbert Lee ang ulat hinggil sa umano’y pagbebenta ng smuggled na sibuyas at iba pang agri products online.
Sa inihaing House Resolution No. 1600, nasa P25 per kilo lang ang bentahan ng sibuyas sa online platforms.
Kung pagbabatayan ang monitoring ng Department of Agriculture (DA), nasa P60-P130 per kilo ang bentahan ng lokal na pulang sibuyas habang ang mga imported ay nasa P90-P100 per kilo.
Ang lokal na puting sibuyas ay P50-P120 per kilo habang ang imported ay nasa P90-P120 per kilo
Mula dito ay sinabi ni Lee na maapektuhan nito ang ekonomiya at lokal na agri industry.
Posibleng magdudulot din ito ng banta sa kalusugan dahil hindi dumaan sa phytosanitary analysis.
Samantala, kasalukuyan na ring iniimbestigahan ng Bureau of Plant Industry ang umano’y bentahan ng mga smuggled na sibuyas.