Umano’y hassle-free na pagkuha ng license plates na P200, pinabulaanan ng LTO

Umano’y hassle-free na pagkuha ng license plates na P200, pinabulaanan ng LTO

WALANG inaalok na hassle-free na pag-claim ng license plates ang Land Transportation Office (LTO) na nagkakahalaga ng 200 pesos.

Sa pahayag ni LTO chief Vigor Mendoza II, libre aniya ang pag-claim ng license plates.

Kung sino man ang nanghihingi ng pera para makuha ang license plate ay maaaring isumbong sa kanilang tanggapan dahil tiyak na mapaparusahan ito.

Binigyang-diin pa ni Mendoza, may inihanda na silang sistema sa LTO para maging maayos at mabilis ang kanilang distribution process ng license plates.

Ang 200 pesos ay para umano maiwasan na ang mahahabang pila sa LTO district offices at distribution sites.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble