PINABULAANAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang ulat hinggil sa umano’y inilabas nilang ranking ng ticket sales ng 10 film entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.
Ayon sa MMDA, hindi sila naglalabas ng ranking ng ticket sales upang hindi maimpluwensiyahan ang desisyon ng viewers kung ano ang panonoorin na pelikula.
Sa katunayan, layunin anila ng MMFF management ang mabigyan ng patas na exposure, spotlight, at suporta ang bawat entry.
Kasama sa entries ngayong MMFF 2023 ang “Family of Two”; “Penduko”; “Becky and Badette”; “Broken Hearts Trip”; “Firefly”; “GOMBURZA”; “Rewind”; “When I Met You in Tokyo”; “Kampon”, at “Mallari”.