Umano’y payola sa POGO, itinanggi ng mga dating PNP chief

Umano’y payola sa POGO, itinanggi ng mga dating PNP chief

AGAD na pinabulaanan ng mga dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ang usapin sa umano’y pagtanggap ng payola mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Kasabay rito ang pagpapaliwanag na wala silang kinalaman sa  umano’y pagtakas ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Matatandaang, ibinunyag ni retired Commodore at PAGCOR executive Raul Villanueva sa pagdinig ng Senado ang pagkakasangkot ng isang dating PNP chief sa kontrobersiya ng POGO at kay Bamban Mayor Guo.

Ayon kay dating PNP Chief Oscar Albayalde, hindi niya kailanman naka-engkuwentro o nakilala personal si Guo.

“Never kong na encounter or na meet si Alice,” saad pa ni Former PNP Chief General Oscar Albayalde.

Hamon naman ni dating PNP Chief Rodolfo Azurin, pangalanan ni Villanueva kung sino ang tinutukoy niyang dating pinuno ng PNP na sangkot sa usapin upang mapanagot.

Kung mapatunayang nagsisinungaling si Villanueva, sinabi ni Azurin na dapat kumilos si PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil para maghain ng kaukulang kaso dahil nakasisira ito sa imahe ng kanilang hanay.

“Isa lang sigurado ako, hindi ako ‘yun. Hindi ako pumatol sa POGO kahit kailan alam ni Red ‘yan.”

“I think the best way to find out is ask BGen Raul Villanueva to name that former CPNP, otherwise CPNP Marbil should file a case against him for putting the PNP especially the former Chiefs in a bad light.”

“The PNP is facing so many issues and challenges right now, such irresponsible statement coming from BGen Raul Villanueva is uncalled, baseless preposterous and unfounded.”

“He should substantiate his innuendos otherwise, CPNP Marbil should file appropriate charges against Raul Villanueva, that’s unfair for all of us former PNP chiefs, he should name names.. not puro insinuations, unvalidated, unverified… he is not sure pala what’s his purpose in making that statement?”  giit pa ni dating PNP Chief Azurin.

Para naman kay dating PNP Chief Benjamin Acorda Jr, nalalagay sa balag ng alanganin ang pangalan ng mga dating naging PNP chief at ang walang habas na pagdarag sa naturang posisyon ay hindi patas sa mga walang kasalanan.

“All I can say is, his statement should be clarified. He should identify the individual. So that kung sino ‘yung tinutukoy niya ay makakasagot nang maayos and could clear oneself properly lalo na if it is a malicious accusation. The integrity of former Chiefs of PNP are at stake. The statement is sweeping ang dating and is unfair for those innocents,” pahayag naman ni Former General Acorda.

Samantala, wala pang pahayag ang iba pang mga dating PNP chief na sina Archie Gamboa, Debold Sinas, Guillermo Eleazar, at Dionardo Carlos.

Una rito, ipinag-utos na ng kasalukuyang liderato ng PNP ang malalimang imbestigasyon hinggil sa usapin dahil itinuturing nila itong seryosong tsismis na may malaking epekto sa kanilang organisasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble