NAGPAPATULOY pa rin ang clearing operations sa loob ng KOJC compound matapos ang dalawang linggong paglusob at ilegal na paninirahan ng mga pulis sa lugar.
Pinangangambahan na posibleng may mga naiwang bala, armas, o kagamitang pampasabog ang mga pulis na maging dahilan ng pagbabalik ng mga ito sa compound.
Sa ngayon, unti unti nang nagiging payapa ang mga misyonaryo sa compound kasunod ng masalimuot na karanasan nito mula sa kamay ng mga awtoridad.