Umano’y scholarship grants sa social media, pinabulaanan ng DepEd

Umano’y scholarship grants sa social media, pinabulaanan ng DepEd

NAGBIGAY muli ng babala sa publiko ang Department of Education (DepEd) hinggil sa pekeng mga post na umano’y ibinibigay nila na scholarship grants.

Ayon sa ahensiya, ilegal ang naturang mga post kahit pa may seal at photo ito ni Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte.

Batay sa pekeng post, nasa P5-K ang scholarship grant para sa elementary students; P7-K para sa high school; at P10-K para sa college at vocational students.

Dahil dito, sinabi ng DepEd na dapat maging mapagmatyag ang mga magulang o guardians hinggil sa ganitong uri ng mga anunsiyo at kung may makita mang ganito ay dapat agarang i-report sa [email protected].

 

Follow SMNI NEWS on Twitter