AYON sa Federation of the Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry (FFCCCII) President Dr. Cecilio Pedro posibleng makaapekto sa potential investors sa bansa ang WPS issue.
Kaliwa’t kanan ang ginagawang panghihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga bansa na mamuhunan sa Pilipinas.
Sa katunayan, umabot na sa mahigit 22 ang international trips ng Pangulo simula nang maupo sa puwesto para makapasok ng investments.
Ayon sa FFCCCII Pres. Dr. Cecilio Pedro, maganda ito dahil nakikita nitong maganda ang intensiyon ng Pangulo.
Kasunod rito, kailangang gawin ng gobyerno na maging kaakit-akit ang bansa para tuluyang mamuhunan ang mga banyaga.
Saad ng businessman, ang tensiyon sa WPS ay posibleng hindi kaaya-aya para sa malalaking investments.
FFCCCII President: China at Pilipinas kailangang muling mag-usap para maayos ang gusot sa WPS
Hindi aniya kailangang mag-away ang China at Pilipinas pagdating sa karagatan.
Puwede naman aniya idaan sa sharing o magkaroon ng joint venture sa WPS.
Ang kailangan lang naman ay ang muling magkausap ang dalawang bansa para maayos ang anumang gusot sa nasabing karagatan.
Hindi rin aniya kailangan na makisawsaw ang ibang bansa sa nangyayaring tensiyon.
Ito ang sagot ng FFCCCII President nang matanong sa tila pakikipagpanig ng bansa sa Amerika sa gitna ng tensiyon sa WPS.
Mga negosyante, may agam-agam din sa Charter Change—FFCCCII President
Samantala, hindi rin komportable ang mga negosyante sa itinutulak na Charter Change (Cha-Cha) kung pagdating sa investment ang pag-usapan.
Sa ngayon aniya kasi ay malabo para sa kanila ang tinatahak ng Cha-Cha.
