UN, nagbabala ng posibleng paglubog ng Bangkok

UN, nagbabala ng posibleng paglubog ng Bangkok

NAGBABALA ang United Nations na ang Bangkok ay isa sa mga mega city na posibleng mawala sa mapa dahil sa tumataas na lebel ng tubig.

Inanunsyo ni UN Secretary General Antonio Guterres ang babala na ilang bansa ang nasa peligro habang mayroong mega cities na posibleng lumubog dahil sa tumataas na lebel ng tubig.

Ayon kay Guterres ang global sea level ay tumataas ng mas mabilis mula pa noong 1900 at ang karagatan ay umiinit nang mabilis kumpara noong nakaraang mga dekada.

“Global average sea levels have risen faster since 1900 than over any preceding century in the last 3,000 years. The global ocean has warmed faster over the past century than at any time in the past 11,000 years,” ani Antonio Guterres, UN Secretary-General.

Ayon sa UN chief, ang tumataas na tubig ay parang death sentence sa ilang mga bansa dahil sa peligro na dala nito gaya ng Bangladesh, China, India at Netherlands.

Samantala, posible namang maglaho ang Bangkok, London, Shanghai dahil sa epekto ng tumataas na tubig nito.

Ang tubig ay posibleng umangat kahit na malimitahan ang global warming sa 1.5 degrees celsius.

Noong 2019, ang mga eksperto ay nagbabala na ang Bangkok, kasama ang Venice at New Orleans ay lumulubog ng 10 beses na higit sa tumataas na lebel ng tubig.

Follow SMNI NEWS in Twitter