Avatar 2, nag-world premiere na sa London

Avatar 2, nag-world premiere na sa London

IPINALABAS na rin sa big screen ang isa sa pinaka-delayed at inaabangang sequel sa Blockbuster history, ang “Avatar: The Way of Water” at nag-world premiere na rin ito sa wakas sa London.

Ang 13 taong pagitan ng dalawang film mula sa “Avatar” na siyang itinanghal na biggest-grossing film of all time ay hindi pa rin maipapalabas sa lahat ng sinehan sa buong mundo dahil sa impact pa rin ng covid pandemic.

Mapapanood na ng publiko ang pelikula ni James Cameron sa susunod na linggo at tatakbo ito ng 3 oras.

Bagaman inamin ni Cameron na kabado ito dahil normal sa kanya ang nerbyosin kada may ipapalabas silang pelikula ay kumpyansa naman aniya ito na magiging tagumpay ang sequel sa kanyang 2009 film.

Bukod dito ay inihayag din ni Cameron na ang film series ay aabot hanggang sa ikalimang entry at ipapalabas ito kada 2 taon hanggang sa taong 2028.

 

 

Follow SMNI News on Twitter