GENERALLY peaceful ang unang araw ng pagdaraos ng Simbang Gabi sa Metro Manila.
Katuwang ang maigting na security measures sa mga simbahan na siyang dahilan ng maayos na paghahanda ng mga awtoridad sa National Capital Region (NCR).
Sa panayam ng SMNI News kay National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson LtCol. Dexter Versola, pinasalamatan nito ang publiko dahil sa kanilang pakikipagtulungan.
Umaasa ang PNP na magtutuluy-tuloy ang mapayapang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Matatandaang nasa 14k na bilang ng NCRPO personnel ang ipinakalat sa buong Metro Manila para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng publiko ngayong panahon ng Kapaskuhan.