Unang batch ng mga Pinoy mula Gaza, dumating na sa Pilipinas

Unang batch ng mga Pinoy mula Gaza, dumating na sa Pilipinas

PERSONAL na sinalubong nina Foreign Affairs Sec. Eduardo Manalo, Usec. Eduardo de Vega at Kabayan Party-list Representative Ron Salo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 ang unang batch ng Filipino repatriates mula Gaza Strip.

Sila ay binubuo ng 34 Filipino nationals at isang Palestino na asawa ng Pinay.

Isa sa mga nakauwi si Isabelita Balala, 23 taong gulang, nagtatrabaho bilang household worker sa Gaza.

Si Lucina naman, 57-anyos, sinabing anim sila kasama ang kaniyang anak at apo ang piniling umuwi sa bansa.

Kinumpirma naman ni Usec. De Vega na nakatawid na sa Egypt ang 42 mga Pinoy mula Gaza.

Mula Egypt, sila ay uuwi sa Pilipinas sa susunod na linggo.

Hindi naman nakatawid ang 14 pang mga Pinoy na kasama sana sa ikalawang batch matapos magpasyang magpa-iwan sa Gaza.

Hindi na kasi mabigyan ng security clearance ang kanilang mga asawang Palestino.

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makatatanggap ng karampatang tulong ang mga repatriates.

Pagkarating ng repatriates sa Cairo ay agad silang binigyan ng 1,000 US dollars kada pamilyang Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble