United Nations, umaapela ng 430-M dollars na tulong para sa Zimbabwe

United Nations, umaapela ng 430-M dollars na tulong para sa Zimbabwe

UMAAPELA ang United Nations ng nasa 430-M dollars na halaga ng tulong para sa Zimbabwe.

Ayon sa UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, nasa 7.6 milyon ng kabuuang 15 million na populasyon ng bansa ang nangangailangan ng pagkain at tubig matapos sinalanta ng malalang tagtuyot sa loob ng apat na dekada.

Mula sa 7.6 milyon, nasa 3.1 milyon naman dito ang agarang nangangailangan ng tulong.

Ikinakatakot na rin dito ng UN ang posibleng cholera outbreak kung walang mapagkukunan ng malinis na tubig ang mga taga-Zimbabwe.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble