IGINIIT ni Deputy Minority Leader Bernadette Herrera na ang pag-upgrade sa Bohol at Iloilo Airport ay ang daan sa mas pag-unlad sa Visayas.
Ito’y matapos ang aberya kamakailan sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) na pumukaw sa atensyon ng Kongreso kung gaano kahalaga ang maaayos na regional airports.
Diin ni Herrera, kung parehas lamang ang status ng MCIA sa Iloilo at Bohol Airport ay nakatulong sana ito sa agarang pagbabalik ng operasyon ng paliparan.
At dahil hindi developed, sa Davao Airport pa na-divert ang air traffic sa MCIA na pwede naman sana sa Iloilo at Bohol.
Marami naman aniyang private sector na nais mag-invest sa mga paliparan subalit hinihintay raw ng private sector ang updated rules ng Build Operate and Transfer and Public-Private Partnerships.
Nanawagan naman ang kongresista sa National Economic and Development Authority (NEDA) na bilisan ang pagbuo ng draft bill para maamyendahan ang BOT Law at handa raw ito na sponsoran ang panukala sa Kamara.