NAGPAHAYAG ang Estados Unidos at Korea na tutulong sa paglilinis sa oil spill sa Oriental Mindoro.
Ito ang inihayag ni Office of Civil Defense (OCD) Information Officer Diego Agustin Mariano.
Pero ayon kay Mariano, nasa desisyon na ng gobyerno kung tatanggapin ang nasabing tulong lalo’t nasa bansa na ang ilang eksperto ng Japan.
Maliban dito, natukoy na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lokasyon kung saan lumubog ang MT Princess Empress na naglalabas pa rin ng langis.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 32,269 pamilya o 149,503 indibidwal mula sa 131 barangay sa Mimaropa at Western Visayas ang naapektuhan ng oil spill.