US Forces Korea, sinimulan na ang pagbabakuna sa mga kabataan sa kaakibat na komunidad

US Forces Korea, sinimulan na ang pagbabakuna sa mga kabataan sa kaakibat na komunidad

SINIMULAN na ng US Forces Korea (USFK) ang vaccination program para sa mga bata sa mga kaakibat na komunidad gamit ang Pfizer vaccine sa tatlong base nito.

Inihayag ng USFK na ang programa ng pagbabakuna para sa mga batang may edad 5 hanggang 11 ay nagsimula sa mga medikal na pasilidad sa Camp Humphreys at Osan Air Base sa Pyeongtaek, na pitumpung kilometro sa Timog ng Seoul, at Camp Walker sa Daegu, na tatlundaang kilometro sa Timog-Silangan ng Kabisera.

Naganap ang pagbabakuna matapos aprubahan ng US Food and Drug Administration ang bakunang Pfizer para sa mga bata noong ika-dalawampu’t siyam ng Oktubre.

Ang inisyal na pediatric dose ay one-third ng adult dose at ibinibigay gamit ang isang maliit na karayom na partikular na idinisenyo para sa mga bata.

Sinabi ng USFK na bagama’t hindi sapilitan ang pagbabakuna, mahigpit nitong hinihikayat ang lahat ng eligible na indibidwal na magpabakuna upang makatulong na protektahan ang kanilang sarili, pamilya at komunidad.

SMNI NEWS