HINADLANGAN at tinira ng water cannon ng mga barko ng Chinese Coast Guard ang dalawang bangka ng Pilipinas na magdadala ng food supplies sa Ayungin Shoal.
Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
Sa kabila nito, wala namang nasaktan sa paghadlang ng Chinese Coast Guard na sakay ng dalawang bangka ngunit hindi na tinuloy ng mga ito ang resupply mission.
Sa ngayon, sinabi ni Locsin na pinaparating na nito sa China ang pag-kondena at pag-protesta nito sa nangyari.
Pinapa-aalalahanan din nito ang China na sakop ng Philippines-United States Mutual Defense Treaty ang mga public vessel.
Nanindigan din si Locsin na ang Ayungin Shoal ay bahagi ng Kalayaan Island Group at sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ang bansa.
Aniya, itutuloy pa rin ng bansa ang pag-supply ng pagkain sa mga sundalo na nasa Ayungin Shoal at hindi ito magpapa-alam dahil ito ay bahagi ng Pilipinas.
[7] The Philippines will continue to provide supplies to our troops in Ayungin Shoal (Second Thomas Shoal). We do not ask permission to do what we need to do in our territory. END.
— DFA Philippines (@DFAPHL) November 17, 2021