US President Joe Biden, nais umano na iendorso muli ni Taylor Swift sa 2024 US polls

US President Joe Biden, nais umano na iendorso muli ni Taylor Swift sa 2024 US polls

KUMAKALAT ngayon ang balitang nais muli ni US President Joe Biden na suportahan siya ni Taylor Swift sa kanIyang kandidatura para sa 2024 Presidential Election.

Kung matatandaan, noong 2020 ay inendorso na ng American singer- songwriter si Biden sa pamamagitan ng isang video message sa Instagram.

Ayon sa The New York Times, kung matutuloy umano ang muling pag-endorso ay maaaring ito na ang “Endorsement of the Wildest Dreams”.

Noong 2023, sinabi na ni California Governor Gavin Newson na malaki ang impluwensyia ni Taylor sa kaniyang fans at malaki rin ang magiging impact nito sa 2024 US polls.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble