US satellite, posibleng bumagsak sa palibot ng Korean Peninsula

US satellite, posibleng bumagsak sa palibot ng Korean Peninsula

POSIBLENG bumagsak ang ilang parte ng defunct satellite ng U.S. mula sa kalawakan at maabot ang palibot ng Korean Peninsula.

Nagbabala ang South Korean Science Ministry na ang isang retired U.S. satellite ay posibleng bumagsak sa Korean Peninsula at sa bisinidad sa palibot nito.

Ang Earth Radiation Budget Satellite ay inilunsad taong 1984 at inaasahang babagsak sa mundo matapos makumpleto ang ilang dekadang misyon nitong pag-aralan kung paano naa-absorb ng mundo ang enerhiya mula sa araw.

Ayon sa Ministry of Science at ICT, ang ERBS ay iinaasahang mag-cra-crash down sa mundo at kabilang ang Korean Peninsula sa mga rehiyon na babagsakan ng satellite na ito.

Ayon pa sa ministry, karamihan ng parte ng satellite ay masusunog na pagpasok sa atmosphere pero hiniling sa mga residente ng bansa na maging mapagbantay dahil posibleng may ilang components pa rin na maka-survive sa proseso at makalagpas dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter