US TikToker, hindi alam na isang A-list celebrity ang kaniyang na-interview

US TikToker, hindi alam na isang A-list celebrity ang kaniyang na-interview

HINDI alam ng isang US TikToker na isang A-list celebrity sa Pilipinas na si Anne Curtis ang kaniyang na-interview sa kalsada sa New York.

Kinilala ang TikToker na si Shan Rizwan.

Ang content ni Shan ay mag-interview ng random people sa kalsada at magtanong kung ano ang kanilang mga trabaho at magkano ang kinikita nila araw-araw.

Umabot sa 14 million views makalipas lamang ang isang araw ang interview niya kay Anne Curtis.

Umani rin ito ng iba’t ibang comments ang naturang video.

Follow SMNI NEWS in Twitter