PORMAL nang umupo si Lieutenant Colonel Enrico Gil Ileto bilang bagong hepe ng Public Affairs Office (PAO) ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang change of chief of office ceremony ay ginawa ngayong araw sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City sa pangunguna ni AFP Deputy Chief of Staff Lieutenant General Charlton Sean Gaerlan.
Pinalitan ni Ileto si Colonel Jorry Baclor na itinalagang bagong director ng Training Center of the Training and Doctrine Command (TRADOC) ng Philippine Army.
Sa kaniyang mensahe, iginiit ni Ileto na magiging “gateway of information” ang AFP PAO at patuloy nilang ipakikita ang propesyunalismo upang mapanatili ang mataas na tiwala at kumpiyansa ng publiko.
Si Ileto ay dating nagsilbi bilang assistant chief ng AFP PAO at Division Public Affairs Office Chief at spokesperson ng 7th at 3rd Infantry Division.
Siya ay nagtapos ng Public Affairs Qualification Course sa Defense Information School sa Maryland, USA at kabilang sa “highly experienced” at “trained public affairs practitioners” ng AFP.