NAKATAKDANG magbigay ang United States Agency for International Development (USAID) ng karagdagang 8 million dollars upang masuportahan ang global health security ng Pilipinas.
Ayon sa inilabas na fact sheet ng White House, gagamitin ang nasabing pondo upang i-invest sa biosafety and laboratory capacity, disease surveillance, risk communication, at emergency preparedness ng Pilipinas.
Bukod dito, makikipagtulungan ang USAID sa Department of Health (DOH) ng Pilipinas upang masolusyunan ang non-communicable diseases at tuberculosis.
Sa huli, sinabi ng White House na ang pagtutulungang ito ay makasisiguro na magkakaroon ang lahat ng Pilipino ng kakayahang makaranas ng quality medical treatment.