USB-C charger, gagamitin na sa panibagong ilalabas na iPhone lineup sa 2024

USB-C charger, gagamitin na sa panibagong ilalabas na iPhone lineup sa 2024

INAASAHANG lilipat o gagamit na ng universal charger ang nakatakdang ilalabas na iPhone lineup sa susunod na taon.

Sa inisyal na ulat, lilipat na sa universal USB-C port ang magiging iPhone 15 mula sa kanilang kakaibang lightning connectors para sa cellphone charging at data transfers.

Ang iPhone 15 model na ito ay bilang pagsunod na rin sa European Union Law na nag-rerequire sa paggamit ng USB-C bilang single charger standard sa mga bagong smartphones, tablets, at cameras sa 2024.

Kaugnay rito, unang ilalabas sa Europa ang nabanggit na iPhone 15.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble