TINAGURIANG fastest-warming continent ngayon ang Europa, kasunod ng mabilis na pagbabago ng klima sa lugar dulot ng global warming.
Ayon sa ulat mula sa European Union, at ng World Meteorological Organization, ang Europa ay dalawang beses na umiinit kaysa sa global average mula pa noong 1980.
Naitala rin na noong taong 2022 na nagkaroon ng pinakamainit na taon ang mga bansang Belgium, France, Germany, Ireland, Italy, Luxembourg, Portugal, Spain, Switzerland, at U.K.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagtaas ng klima sa kontinente na natuklasang dulot ng anthropologic, o tao ang dahilan pagbabago ng klima.