USG ng DLSU, pinangaralan ni former NTF-ELCAC spox, Dr. Lorraine Badoy

USG ng DLSU, pinangaralan ni former NTF-ELCAC spox, Dr. Lorraine Badoy

NAGLABAS ng pahayag si Dr. Lorraine Badoy matapos hikayatin ng De La Salle University-University-University Student Government (DLSU-USG) ang mga estudyante na magsuot ng itim na kamiseta sa Miyerkules, Setyembre 21, 2022 bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Ani Badoy, bilang mga mag-aaral sa kolehiyo, sana ay marunong silang “MAG-ISIP” nang kritikal at independiyente- at hindi makinig sa mga grupong natukoy na mga prente ng CPP-NPA-NDF.

Dagdag pa nito na dapat lamang na maging maingat sa mga organisasyon na nag-uudyok sa kanila na magalit sa gobyerno.

Aniya, wala nang dahilan pa ang mga naturang estudyante dahil sa gabundok na impormasyon na mayroon ang bansa at dahil na rin sa age of information.

Dapat din anilang pakinggan ang mga dating rebelde ng CPP-NPA-NDF na walang mapapala kung kanilang ipagsapalaran ang kanilang buhay sa pagtangan ng ideolohiya ng CPP-NPA-NDF.

Follow SMNI NEWS in Twitter