TUMAAS ng bahagya ang utang ng pamahalaan noong Abril.
Sa datos ng Bureau of Treasury (BTr), umabot na ito ng P16.75T.
Ibig sabihin, lumago ng 0.41% ang kabuoang utang ng estado kung ikukumpara noong Marso.
Subalit kahit may inutang na panibago ang gobyerno ay hindi ito masyadong tumaas dahil lumakas ang piso kumpara sa dolyar.
Dahil dito, bumaba ang halaga ng mga utang sa dolyar kung kinalkula sa piso.